
Benta by case o piraso
STARTERI-tap ang SKU, case ang pumapasok. Cash, GCash o on terms.
Para sa maliliit na dealer at distributor. I-tap ang benta by case o piraso; bawas na agad ang puhunan, gastos at sira, at kita mo kung sino ang lampas na sa terms. Sample na bodega: ₱1,371,999 benta, ₱103,976 ang totoong kita.


Totoong screen ng app. Sample na bodega, gawa-gawang pangalan at numero.
Kapatid na produkto: KitaAgad Payroll, 2,300+ na ang nabenta.
Malaki ang pasok. Pero ₱104K lang ang natira.
Sample na bodega (Oct 2026).
14 reseller na. Pinakamalaki: JM Frozen Hub, ₱72,298, 63 araw na (terms: 30).
Sa puhunan, sa susunod na 21 araw. May ₱21,371 pang expired na nasa shelf.
8 SKU na walang benta sa loob ng 30 araw. Pera mo 'yan, nasa freezer.
21 SKU ang paubos o patapos na. Alam mo na ilang case, at magkano.
Lahat ng numero ay mula sa sample na bodega ng demo, kinukuwenta ng app.

I-tap ang SKU, case ang pumapasok. Cash, GCash o on terms.

Benta minus puhunan, gastos at sira. Araw-araw, hindi pag-audit.

Credit limit, terms at kung magkano ang lampas na.

Tatagal pa ng ilang araw, ilang case, at magkano ang kailangan.

Ano ang mawawala bago maibenta, sa piso.

₱221,616 na puhunan ang nakatengga sa 8 SKU.
Isang SKU, isang stock. Puhunan kada piraso, kusang nag-a-average kapag tumaas ang presyo ng supplier. Import ng listahan hanggang 1,000 SKU.
STARTERIlagay ang laman ng case isang beses. Makikita mo ang stock bilang 12 cases + 6 piraso, at maibebenta mo ito by case o by piraso.
STARTERBawat reseller ay may limit at terms. Babalaan ka kapag lampas na sa limit bago ka mag-deliver.
BUONG SISTEMAHiwalay ang lampas na sa terms sa balanse na hindi pa due. Ang bayad ay ibinabawas sa pinakalumang invoice muna.
BUONG SISTEMAMalapit nang ma-expire at expired na nasa shelf, sa halaga ng puhunan. Ilagay ang expiry date sa restock ng frozen at chilled.
BUONG SISTEMATatagal pa ng ilang araw ang stock, ilang case ang bibilhin, at magkano ang kailangan mong pera para doon.
BUONG SISTEMAAng mga SKU na walang benta sa loob ng 30 araw, at ang puhunan na nakatengga sa mga ito.
STARTERNakaka-record sila ng benta at bayad. Hindi nila nakikita ang puhunan, gastos o kita. Kasama ang kaha (kulang o sobra) at reports.
PROPara sa maliliit na dealer, distributor at wholesaler ng frozen goods, beverage, FMCG, bigas at katulad, na may bodega at may resellers na bumibili on terms. Hindi ito POS para sa counter ng tindahan.
Callden Works MNL ang makikita mo sa GCash o QR Ph. Kami 'yan.
Hindi ito BIR-registered POS o accounting system at hindi nag-iisyu ng official receipt o BIR invoice.
Oo. Walang buwanang singil. Ang mga dagdag (₱149 hanggang ₱249) ay isang bayad din, at naka-off hangga't hindi mo tina-tick.
Kung may bodega ka, nagde-deliver ka sa resellers (tindahan, karinderya, palengke stall) at may mga bumibili sa iyo on terms, oo. Para ito sa maliliit na dealer ng frozen goods, beverage, FMCG, bigas at katulad. Hindi ito POS para sa counter.
Sa Paninda, ilalagay mo ang presyo at puhunan kada piraso at ang laman ng isang case. Ang stock ay laging nasa piraso, at ipinapakita bilang cases + piraso. Sa Benta, case ang pumapasok kapag tinap mo ang SKU; puwede mong palitan ang dami, ang presyo ng case, o gawing piraso. Hindi lang piraso ang unit: puwedeng kilo, sako, tray o box, at puwedeng may decimal (halimbawa 2.5 kilo).
Stock: ilista sa CSV (pangalan, unit, presyo, puhunan, opening_qty, laman ng case) at i-import sa Paninda, hanggang 1,000 SKU sa isang beses, o i-type isa-isa. Resellers: idagdag sa Resellers, may credit limit at terms. Ang lumang balanse ng reseller ay wala pang opening balance; ang mga bagong invoice na ire-record mo ang susundan ng app.
Sira (BO), expired at nawala ay nire-record sa Bilang at sira (Buong Sistema) at kasama sa kita bilang sira. Ang ibinalik sa supplier ay hiwalay at hindi nababawasan ang kita. Buong return ng reseller: i-void ang benta, at babalik ang stock.
Bawat reseller ay may credit limit at terms (ilang araw). Kapag lampas na sa terms ang pinakalumang hindi bayad na invoice, lalabas ito sa Resellers at sa Dashboard kasama ang halagang lampas na. Kapag lalagpas sa limit ang bagong order, sasabihan ka bago mo ito i-save.
Ang demo ay may 62 SKU, 28 resellers at mahigit 2,200 na linya ng benta sa loob ng dalawang buwan. May Import (CSV) hanggang 1,000 SKU sa isang beses. Nasa Google Sheet ang data mo, kaya hindi ito para sa libu-libong benta kada araw.
Sa Pro, hindi. Nakaka-record lang sila ng benta at bayad. Hindi nila nakikita ang puhunan, gastos o kita.
Oo sa phone, tablet o laptop, kasama ang driver mo kung may mobile data. Walang offline mode: kailangan ng signal sa oras ng pag-save. Kailangan ng Google account (libreng Gmail ay okay) dahil ang app ay tumatakbo sa Google Sheet sa sarili mong Drive, kaya ikaw ang may hawak ng data.
Hindi. Record ito ng sarili mong negosyo, hindi official receipt o BIR invoice at hindi tax advice. Ang quarterly report ay estimate lang. Ang delivery forms at statement na dagdag ay pang-sariling gamit mo.
Hindi pa kasama: utang mo sa supplier (payables), pagsubaybay ng check o PDC, opening balance ng lumang utang ng reseller, offline mode, at hiwalay na presyo para sa bawat reseller (puwede mong palitan ang presyo sa bawat benta, at may Dealer price list na dagdag). Hindi rin ito BIR-registered POS.
I-email kami sa loob ng 30 araw. Ibabalik namin sa parehong payment method. Nasa refund page ang buong terms.